Maligayang pagdating sa website ng San Francisco Arts Commission
Ang San Francisco Arts Commission (SFAC) ay ahensya ng Lungsod na nagtataguyod sa sining (arts) bilang mahalagang parte ng ating buhay sa pamamagitan ng pamumuhunan sa masiglang komunidad ng sining, sa pagbibigay-buhay sa kapaligiran ng lungsod, at sa pagbuo ng inobatibong polisiya sa kultura.
MAARING MAKITA RITO ANG PAHAYAG TUNGKOL SA COVID 19 RELIEF FUND (PANTULONG NA PONDO)
GA PONDO UPANG MAKATULONG SA MGA ARTISTA! I-KLIK ITO.
KONTAK
Pangunahing Opisina
401 Van Ness Avenue, Suite 325 (War Memorial Veterans Building)
San Francisco, CA 94102
Mga Oras ng Pag-oopisina:
Lunes–Biyernes, 8:30 AM - 5:00 PM
*Sarado sa mga legal na holiday
Para sa mga Pangkalahatang Katanungan
Mag-email sa art-info@sfgov.org o tumawag sa (415) 252-2266
Para sa mga gumagamit ng TTY, pakitawagan ang (800) 735-2929 o ang (415) 934-1022.
Para sa tulong sa wikang Filipino, tumawag kay Cece Carpio (415) 252-2217.
Tagapag-ugnay sa mga Komisyoner, Direktor ng mga Usaping Pangkultura at Katuwang na Direktor agapag-ugnay
Manraj Dhaliwal, Sekretarya ng Komisyon (Commission Secretary)
manraj.dhaliwal@sfgov.org or (415) 252-2255
Mga Tanong ng mga Mamamahayag + Mga Kahilingan para sa Pampublikong Rekord
Coma Te, Director of Communications
coma.te@sfgov.org or (415) 252-2229
MGA PAMPUBLIKONG PULONG
Mahalaga sa SFAC ang bukas na gobyerno - (pagiging bukas at malinaw napamamahala). Maaaring dumalo at magbigay ng pampublikong komento ang sinumang miyembro ng publiko sa ating mga pagpupulong.
Nagaganap ang mga pulong ng buong Arts Commission sa unang Lunes ng buwan nang 2:00 p.m. sa City Hall, Room 416, 1 Dr. Carlton B. Goodlett Place, San Francisco. Ang mga pulong ng subcommittee (mas maliliit na komite) ng Commission ay ginaganap sa 401 Van Ness Avenue, Room 125, San Francisco, maliban na lamang kung mayroong ibang lugar na nakasulat sa nakapaskil na agenda.
Ipinapaskil ang lahat ng agenda 72 oras bago ang pagpupulong. Basahin ang mga darating o nakaraan nang agenda o tala (notes) ng pagpupulong ng mga Komite o ng buong Komisyon dito.
Lahat ng mga meeting ay nakapaskil sa aming KALENDARYO.
Iskedyul ng Regular Meeting sa Isang Tingin:
Nakapaskil ang lahat ng ating pagpupulong sa aming KALENDARYO.
Regular Iskedyul ng Pagpupulong:
- Buong Komisyon, unang Lunes ng bawat buwan, nang 2:00 p.m.
- Komite para sa Pagrerepaso ng Disenyong Pangmamamayan (Civic Design Review Committee), sa ikatlong Lunes ng bawat buwan, nang 2:00 p.m.
- Komite para sa Pamumuhunan sa Komunidad (Community Investments Committee), sa ikalawang Martes sa mga buwan na even-numbered (ikalawa, ika-apat, ika-anim, at iba pa), nang 1:00 p.m.
- Komiteng Tagapagpaganap (Executive Committee), sa huling Lunes ng bawat buwan, nang 12:30 p.m.
- Komite para sa mga Artista sa Lansangan (Street Artists Committee), nagpupulong kapag kailangan, nang 2:30 p.m.
- Pag-eeksamen (screenings) para sa Street Artists, tuwing ikatlong buwan, nang 1:00 p.m.
- Komite para sa Sining Biswal (Visual Arts Committee, tuwing ikatlong Miyerkules bawat buwan, nang 3:00 p.m.
Pakitandaan na kung ang naka-iskedyul na pagpupulong ay mangyayari sa araw na pista opisyal o holiday, gaganapin ito sa susunod na linggo; bisitahin ang meetings page (pahina ukol sa mga pulong) para sa mga espesipikong araw at agenda, pati na para samga tala na mula pa noong 2003. Maaaring humingi ng libreng nakasalin na materyales. Kung kailangan ninyo ng tulong, mangyaring sumulat o tumawag sa Commission Secretary, na si Alyssa Ventre, sa (415) 252-2255, alyssa.ventre@sfgov.org.
MGA PROGRAMA NG ARTS COMMISSION
(Pagrerepaso sa Disenyong Pangmamamayan) Civic Design Review
Sinisigurado ng Civic Design Review na nangunguna ang pansibikong arkitektura sa disenyo at sustainability o pagpapanatili. Binubuo ang Civic Design Review Committee na limang komisyoner na pinili ng Mayor, kung saan kasama ang dalawang arkitekto, isang pang-landscape na arkitekto at dalawang propesyonal na designer o miyembro ng publiko. Nagsasagawa ng review o pagrerepaso na may ilang yugto ang mga Komisyoner sa lahat ng gusaling pangmamamayan, matataas na tulay (viaduct), matataas na daanan (elevated ways), pasukan, pader, kagamitang nasa kalye, ilaw at iba pang istruktura sa kalye na na nasa lupa ng Lungsod at County. Nirerepaso din ng Komite ang mga makasaysayan na plake, arko, tulay at iba pang istruktura na umaabot sa ibabaw ng anumang kalye, parke o pampublikong lugar na pagmamay-ari ng Lungsod.
Mga Pamumuhunan ng Lungsod (Community Investments (Grants o Tulong Pinansiyal)—Nagbibigay ang SFAC ng pondo sa mga indibidwal na artista na nakatira sa San Francisco at sa maliliit at mid-sized (katamtaman ang laki) na organisasyon sa sining sa pamamagitan ng Cultural Equity Endowment Fund (Pondo para sa Pagtataguyod ng Katarungan sa Pagkakapantay-pantay sa Kultura) upang mapangalagaan ang patuloy na pag-unlad ng masiglang sistema ng komunidad ng sining, kung saan may pagkakaiba-iba, at nakatuon ito sa mga komunidad na may espespikong kultua at may kasaysayan na hindi nakakatanggap ng sapat na serbisyo. Sinusuportahan din ng Komisyon sa Sining (Arts Commission) ang mga Sentrong Pangkultura (Cultural Center) na pagmamay-ari ng Lungsod. Naglilingkod ang mga ito sa komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga opisina sa mga nonprofit na organisasyon at pagkakaloob ng mga programa para sa sining, palabas, at espasyo para sa mga eksibisyon sa murang halaga.
Pampublikong Sining (Public Art)—Lalong pinagaganda ng SFAC ang mga pampublikong gusali at lugar sa pamamagitan ng Ordinansa ukol sa Pagpapayaman sa Sining (Art Enrichment Ordinance), na nag-uutos na kailangang iukol sa pampublikong sining ang dalawang porsiyento ng gross (kabuuan) na halaga ng mga proyektong para sa konstruksyong pangmamamayan o civic works. Ang mga artwork na kinokomisyon ng programa na ito ang bumubuo sa
Koleksiyon ng Sining na Pangmamamayan (Civic Art Collection) ng Lungsod, kung saan kasama rin sa koleksiyong ito ang mga makasaysayang monumento, mural, painting, eskultura at installation. Sa kasalukuyan, mayroon nang 3,500 na bagay sa Collection at maaaring makita ang mga ito sa kabuuan ng lungsod, mula sa airport hanggang sa zoo. Pinamamahalaan din ng SFAC ang Pondo para sa Pampublikong Sining (Public Art Trust), na pinopondohan ng mga boluntaryong kontribusyon ng mga pribadong developer na mayroong mga proyekto sa downtown. Para mag-apply sa mga oportunidad sa public art, bisitahin ang Panawagan sa mga Artista (Calls for Artists) na seksiyon sa aming website.
Para sa impormasyon tungkol sa paglikha ng mural sa San Francisco, bisitahin ang MURAL na seksiyon sa aming website.
Mga Galeriya ng San Francisco Arts Commission (SFAC Galleries)—Sa pamamagitan ng tatlong lokasyon ng mga gallery sa Civic Center, ginawa na ng SFAC Galleries na mas madaling mapuntahan ng mas maraming tao ang kasalukuyang sining o contemporary art. Nagagawa ito sa pamamagitan ng mga naka-disenyo at organisadong eksibisyon at espesyal na proyekto na kapwa sumasalamin sa ating rehiyonal na pagkakaia-iba at ang katayuan ng Bay Area sa sining sa buong mundo.
Mga Lokasyon:
SFAC Main Gallery
401 Van Ness, Ste. 126
(415) 252-2244
Martes–Sabado, 12:00 p.m. – 5:00 p.m.
SFAC Galleries, Art at City Hall
1 Dr. Carlton B. Goodlett Place, Ground Floor and North Light Court
Lunes–Biyernes, 8:00 a.m. - 6:00 p.m.
Ang Programa para sa mga Nagbebenta ng Sining (Art Vendor Program) ay nagbibigay ng sertipikasyon sa mga artista para makapagbenta sila ng kanilang trabaho sa nakatalagang mga lugar na pinakabinibisita, tulad ng Fisherman’s Wharf, Embarcadero Plaza at Union Square. Kailangan ipakita ng mga kasaling artista na sila mismo ang gumagawa ng mga bagay na ibinebenta nila. Kapag napatunayan nila ito, nakatatanggap sila ng sertipiko na nagbibigay ng lisensiya sa kanila para makapagbenta ng likhang-sining sa dati nang nakatakdang mga lugar. Nagsasagawa ng lottery o palabunutan online para mapagpasyahan kung anong espasyo ang magagamit ng bawat artista sa bawat takdang araw.
TANDAAN: Ang programa na ito ay kasalakuyang nakasuspinde dahil sa utos na manatili sa bahay (shelter-in-place) hanggang Mayo 3, 2020, o hanggang sa susunod na abiso. Mangyaring bisitahin ulit ang website namin sa Mayo para sa karagdagang impormasyon.
Opisina:
401 Van Ness Avenue, Ste. 325
(415) 252-2260
thanh.hong@sfgov.org
Kailangan ng appointment o nakatakdang pagkikita